sa dulo

26 06 2008

SCENE 4

FADE IN

EXT. SA MAY MADILIM NA PARTE NG GARAHE NINA IAN.

SETH

“Ano ba?!”

Tinulak ni Seth si Ian papalayo sa kanya.

SETH

“Umayos ka nga!”

Dagdag ni Seth at nag-umpisang humakbang papalayo kay Ian. Ngunit nang bahagyang nakalagpas na si Seth sa kinatatayuan ni Ian, hinawakan ni Ian ang kanan kamay ni Seth. At dahil dito, huminto si Seth.

SETH

“Tama na. Tapos na.”

Tugon ni Seth na di man lang tinitignan si Ian.

SETH

“Kung ano man ang namagitan sa atin ay ituring mo na lang isang panaginip na sa ating paggising unti-unting naglaho hanggang nauwi na lang sa kawalan.”

Pagkatapos sabihin iyon kinalag ni Seth ang pagkakahawak ni Ian sa kanyang kamay.

IAN

“Di mo lang alam kung gaanong kahirap sa aking nung nawala ka sa aking buhay!”

SETH

“At ako sa tingin mo di ako nahirapan?”

IAN

“Minahal kita!”

Nang marinig iyon biglang hinarap siya ni Seth. Sinakal ni Seth sa leeg si Ian hanggang mapa-atras si Ian at lumapat likuran nito sa pader.

SETH

“Minahal? Kung minahal mo nga ako, bakit pagkatapos ng lahat ng nangyari sa ating, iniwasan mo akong parang isang taong may ketong?”

Inilapit ni Seth ang kanyang bibig sa kaliwang tenga ni Ian.

SETH

“‘Di pagmamahal ang naramdaman mo kung di libog!”

Bago pa man makasagot si Ian sinunggaban ni Seth ang labi nito at marahas na hinalikan. Inilapat ni Seth ang kanyang katawan sa katawan ni Ian at binudol-bunudol ang kanyang bukol sa loob ng kanyang khaki shorts sa bukol ni Ian na nahaharangan ng manipis na pangbasketbol na shorts.

Makailang segundo ang lumipas ay inilayo ni Seth ang kanyang labi sa labi ni Ian.

SETH

“Eto ba ang pagmamahal na sinasabi mo?”

Sabi ni Seth habang nakatingin sa mata ni Ian. Hindi umimik si Ian.

SETH

“Eto ba?!”

Sabay hawak sa namumukol na ari ni Ian at biglang niya itong nilamas. Maka-ilang himas ay hinawakan ni Ian ang kamay ni Seth upang pigilan ito at ilayo sa kanyang titi.

IAN

“Seth! Hindi ito… hindi sa ganitong paraan ang pagmamahal ko sa iyo! Hindi ito libog lang!”

SETH

“Bakit? May iba pa bang paraan? Ito ang peklat na inilatay mo sa aking pagkatao!”

IAN

“Kung ano man ang ginawa o pinakita ko sa iyo nung kinaumagahan pagkatapos tayo’y mag-seks, hindi dahil sa hindi kita mahal. Kung ‘di natakot ako… nalito… naduwag! Hindi ko alam kung kaya kung ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo!”

Humakbang papaatras si Seth. Napatitig sa mukha ni Ian at pagkatapos ay naglakad pabalik sa garahe.

FADE OUT 

 

 

 


Actions

Information

Leave a comment