EKSENA 5
FADE IN
INT. SA LOOB NG KUWARTO
Mabilis na pumasok si Seth sa kanyang kuwarto. Ibinalibag ang pinto papasara. Sinipa-sipa habang sumisigaw. Sinuntok-suntok ang pader ng kanyang kanan na kamao hanggang sa magdugo ito. Humahagulgul. Napaluhod sa sahig at patuloy ang pag-iyak.
FADE OUT
FLASHBACK
FADE IN
EXT. PABUKANG LIWAYWAY SA KALSADA.
Naglalakad si Seth papalayo sa bahay ni Ian. Tumutulo ang kanyang luha. Tumawid ng highway na wala sa sarili at nasilaw sa ilaw ng rumaragasan kotse.
FADE OUT
FADE IN
INT. OSPITAL
NARS
“Gising ka na pala?”
SETH
“Nasaan ako? Anong nangyari?”
Habang pinipilit ni Seth bumangon.
NARS
“Na hit and run ka, pogi.”
Sagot ng nars habang inaayos niya ang pagkakahiga ni Seth.
NARS
“Buti na lang may mabuting tao na nagdala sa iyo dito.”
SETH
“Sino ho?”
NARS
“Nandyan siya sa labas kanina pa nahihintay.”
Tinapos muna ang pag-ayos ng unan ni Seth at saka naglalakad ang nars papunta ng pinto.
NARS
“Alam mo, suwerte mo di masyadong grabe ang tama mo besides sa na-cast ang kanang paa mo, wala namang damage ang ulo mo.”
Dagdag ng nars habang binubuksan ang pinto.
NARS
“Pogi… gising na yon taong tinulungan mo. Halika, puede mo na siyang makita.”
Maririnig ang mga yabag na patabok at papalayo sa kuwarto ni Seth.
NARS
“HOY! Saan ka pupunta? Bumalik ka dito!”
MAMA
“Seth! Iho!
Sabi ng Mama ni Seth patakbong pumasok ng kuwarto kasunod ang kanyang Papa sumunod na rin ang nars.
NARS
“Misis… sir… ok na ho ang anak ninyo. Pabalik na po si dok galing sa kanyang rounds.”
PAPA
“Asan yon taong nagligtas sa aming anak?
NARS
“Dun nga ako nagtataka matapos niyang mag-bantay dito ng halos dalawang araw… bigla na lang pong tumakbo papalayo rito.”
Dumating na ang doktor sa silid ni Seth na may hawak na chart.
DOKTOR
“Kayo ho ba ang mga magulang ni Seth?”
PAPA
“Oho, dok. Mr. Santillan ho. Misis ko ho. We came back to the country as soon as we heard the news.”
MAMA
“Dok, kamusta na kondisyon ng unico iho ko!”
DOKTOR
“Mr. and Mrs. Santillan. You’re son is one lucky guy. Walang damage ang kanyang brain or other internal organs. No internal bleeding. Bugbug lang ang katawan niya from the impact ng pagkakabangga sa kanya and we had to cast his right foot kasi na twist. Other than that, everything is normal naman. But still, we are keeping him for observation for a week until we know that he is 100% okay.”
MAMA
“Dok, do what you have to do basta make sure that my son is okay.”
PAPA
“Eh, dok yon paa po ng anak namin?”
DOKTOR
“Don’t worry Mr. and Mrs Santillan, it would take some time to heal about a month or so. Pero don’t worry, other than kailan ni Seth matutong gumamit ng saklay and a bit of physical therapy, he should be able to walk, run or do any physical activities like he used to before the accident.”
PAPA
“Salamat dok.”
Naglakad ang doktor papalapit kay Seth and kinuha ang maliit na flashlight sa kanyang gown.
DOKTOR
“Seth, kamusta na pakiramdam mo?”
Tanong ng doktor habang iniilaw ang mga mata ni Seth.
SETH
“Okay naman dok. Medyo hilo at gutom.”
DOKTOR
“Nars, magpadala ka na ng pagkain dito.”
NARS
“Opo doktor”
Pagkatapos marinig yon ay lumabas na ang nars. Iniabot na rin ng doktor ang chart sa nars.
PAPA
“Dok, sabi ng nars umalis na raw yon taong nag maganda loob na dalhin ang aming anak dito sa ospital.”
DOKTOR
“That’s odd. No matter. Nakausap ko yon bata. Mabait na binatilyo ho ang nagdala kay Seth dito halos kasing-age at kasing height ng anak ninyo. Maputi. Medyo chinito. Maamo ang mukha. Huwag kayong mag-alala hindi ho siya ang naka-hit and run sa anak ninyo ayon sa mga pulis. Na-interbyu na ho rin siya ng mga pulis ngunit ayaw niya talagang ipaalam ang pangalan niya. I guess, ganun lang talaga ang mga true good samaritans gumagawa ng kabutihan sa kanilang kapwa na hindi naghihintay ng recognition o ng kung ano pa man.”
May dinukot ang doktor sa kanyang bulsa at inabot sa Papa ni Seth.
DOKTOR
“Eto ho ang calling card ng isa sa mga pulis na humahawak sa kaso ng anak.”
PAPA
“Salamat po dok.
Humarap ulit ang doktor kay Seth.
DOKTOR
“So, Seth, if you need me or if you feel something that is not right, patawag mo lang ako sa nars, okay?
SETH
“Salamat po, dok.”
DOKTOR
“Jake na lang. Hindi naman ako masyadong katandaan sa iyo eh.”
SETH
“Sige po dok… este… Jake.”
INTERCOM (VO)
“Paging Doctor Jacob Alejandro, Doctor Jacob Alejandro please proceed to the station 5.”
JAKE
“Mr. and Mrs. Santillan, I have to go. Yon nars na ho ang bahala sa inyo. There are some papers that you need to fill out, siya na rin po ang mag-assist sa inyo.”
PAPA
“Salamat dok.”
JAKE
“Jake na lang po.”
MAMA
“Sige Jake iho maraming salamat.”
FADE OUT
Good work. I can’t wait for the next installment. I do not usually read Filipino/Tagalog scripts or stories because I have a hard time understanding some words. But in this case, it wasn’t too hard for me.
hello yael,, maganda ung story mo ahh.. prang totoo? hahahha sna nga totoo ito,, pero parang script ito ng pelikula? tama ba ako? by the way maganda ang istorya nia…
kung pede sana padalan u me ng story mo kapag meron ka? if ok lang sau??